una
October 30, 2008
eto na naman ako. bagong blog. bagong username. pero ang nagsusulat, may pinagbago ba? wala naman maipagmamalaking pagbabago eh. nagtatago pa rin. palagi na lang kinukumkum ang sarili at hindi pa rin nagsasalita ng husto sa paniwalang baka may lalabas pang hindi dapat sa bibig na di niyang makayaning bawiin. pero kahit ano, kahit sino, nagbabago sa bawat patak ng oras at sa walang pigil na pag ikot ng mundo. ang taong nagsusulat ngayon ay siya ring taong isinilang labing-walong taong na ang nakaraan. ngunit, iba na ang takbo sa isip ng batang nakatingin sa kompyuter ngayon kung ikukumpara mo siya sa kanyang pag-iisip noon.
nararamdaman ko ang iyong pagbabago iha. sana naman at magpatuloy kang lumaban dahil kaya mo ang anumang pagsubok na haharap sa’yo. at pakiusap, lumabas ka na sa kweba mo dahil walang naghihintay sa’yo kundi ikaw.