Isang talumpati tungkol sa pagpili
Gng. Hortelano, aking mga kapwa kamag-aral, magandang hapon sa inyo. Sabi nila, mas mataas daw ang tao sa lahat ng hayop dahil tayo ay makakaisip at makakapili. Sang ayon ako dito.
Naniniwala ako na karamihan ng pangyayari sa ating buhay ay pinili natin. Mula sa maliliit na bagay tulad ng pag-gising sa umaga hanggang sa singlaking pagpili ng tamang asawa. Ang abilidad nating pagpili ay isa sa biyaya ng Diyos. Gaya ng kapabilidad na magmahal at umasenso, ito ay nasa ating mga kamay. Ngunit, hindi natin ito ginagamit ng husto. Paminsan-minsan lang at sa oras lang na ‘uso’ ang pumili ng tama. Imbis na pipili tayo ng ikabubuti ng lahat, inabuso natin ang ating kapangyarihan hanggang umabot ito sa kabiguan ng mundo.
TAYO ang totoong sanhi sa unti-unting pagkamatay sa ating liwanag. Oo–ikaw, ako, at siya. Tayo ang gumawa ng mga maling desisyon at ngayon, ina-ani na natin ang mga prutas nito. Kung pinili lang sana natin ang ensakto, hindi na sana ganito kahirap ang buhay. Kailanman, hindi naging katanungan kung mababago ba natin ang mundo, dahil magagawa natin ito: maraming gamot at teknolohiya ang ating nalikha para lunas sa sakit na ikinamamatay ng marami noon; pero, pinili nating ibenta ang mga ito sa halagang iilan lang ang makakaabot. Nilinang din natin ang nuklear na enerhiya; ngunit, pinili nating gumawa ng bomba gamit ang mga ito.
Hindi naman tayo bulag sa mga kabataang pumili na iinom, mag-abuso ng droga o di kaya’y magbubulakbol para lang makatakas diba? Sila pa kaya ang matuturi nating mga pag-asa ng ating kinabukasan? Marami na ring mga magulang ang pumili na saktan ang kanilang mga anak ; taun-taon, libo-libo ang namamatay sa gutom, pero mas marami pang inosenteng sanggol ang hindi na nakasulyap sa mundo dahil pinatay sila sa mga kamay ng kanilang sariling ina. Sa ibang parte ng mundo naman, may mga politikong tao na pumiling magpakalunod sa pera at bisyo habang ang mga ulila’t mga walang trabaho ay nagkakalat sa kalye, nanglilimos ng tulong. At tayo naman nangdidito, ang karamihan na saysay ng ating mga bibig ay mga reklamo. Ito ba talaga ang gusto nating uri na buhay?
Gayon pa man, pwede pa tayong magbago. Kaya pa natin gawin ang lahat para gawing tahanan ang ating mundo. Kailangan lang nating pumili ng mabuti at aksyunin ito agad. Piliin natin ang buhay laban sa kamatayan. Piliin natin ang pagtulong sa isa’t isa at sa mga kapatid nating namumuhay sa dusa, kaysa pagtutok sa ating mga sariling luho. Higit sa lahat, piliin nating magsikap sa anumang bagay kaysa ibigay pa natin itong responsibilidad sa iba.
Ayon sa isang Indianong albularyo, ang choice raw ang pinaka banal na bagay sa lahat. Kaya sa awa ng Diyos, pumili naman tayo ng maayos dahil meron naman tayong pagpipilian palagi.